Mahal Ko Siya

Mahal ko sya!

Mahal ko ba siya?

Pero ewan ko lang.

Baka hindi ko sya mahal.

Baka gusto ko lang syang kausap.

Kasi masaya syang kausap.

NAKAKATUWA

Para bang walang problema sa mundo;

Parang parating puno ang wallet ko;

Parang araw-araw may pang-ARMY NAVY ako;

Parang di ako nilalagnat pag gabi;

Parang matataas ang grades ko sa Stat at Bio;

Parang malaki ang sweldo ko;

Parang ewan ko ba,

Mahal ko yata sya!

O baka naman hindi ko siya mahal,

Siguro gusto ko lang siyang kasama.

Masaya kasi syang kasama.

Para ‘kong lumilipad!

Parang kaya ‘kong lutasin lahat ng problema.

Parang mabubuhay na ko kahit titigan ko lang siya;

Parang di ko na kailangang kumain…

Matulog… huminga…

Siguro nga mahal ko siya!

Pero… paano kung hindi ko pala siya mahal?

Gusto ko lang siguro siyang yakapin.

Masarap kasi syang yakapin,

Tumatalon ang puso ko.

Nalilimutan ‘kong wala pa ‘kong hapunan,

At na marami pa ‘kong utang

O, na galit na ang boss ko dahil parati akong late.

Dahil di ako makatulog kakaisip sa kanya.

Kakaisip kung, nasaan siya?

Kung kumusta na siya?

Kumain na kaya siya?

May iba kaya siyang kayakap?

Sino kaya katabi niya?

Tulog na ba siya? O baka naman may tinatrabaho pa?..

Ewan, mahal ko na nga yata siya.

Hindi ko naman yata siya mahal.

Gusto ko lang siyang katabing matulog,

Masarap kasi syang katabi matulog.

Meron akong tandayan at kayakap,

At parang mabibilang ko lahat ng bituwin sa langit

Kahit may bubong ang bahay namin,

Nararamdaman ‘kong ligtas ako

Yun bang hindi ako tatamaan ng ligaw na bala pag bagong taon,

O ng kidlat pag umuulan.

Naiisip ko rin na parang swerte ako.

Yun bang nanalo ng isang daang milyon sa lotto,

O ng bagong TV sa raffle sa christmas party.

Mahal ko nga siya!

Hindi, hindi totoong mahal ko siya.

Gusto ko lang na nasa mabuti siya,

Na masaya siya kahit iba ang kasama niya,

Na okay lang sa ‘kin na di niya ‘ko mahalin,

Na ayaw nya ‘kong kausap,

Kasama,

Kayakap,

Katabing matulog

Hindi!

Hindi ko siya mahal!

Gusto ko lang ligtas siya

At hindi pinapaiyak ng kung SINO SINO

Gusto ko MAHILIN sya nung minamahal niya,

At na sana lumigaya sya kahit kapiling ng iba.

Mahal ko naman siya diba?

Handa lang akong iaalay ang buhay ko sa kanya,

Yung pag sinabi niyang talon sa tulay,

Tatalon ako talaga!

At kung sabihin niyang ayaw na nya kong makita,

At may iba na siya mahal,

Kaya kong YUMUKO, LUMAYO

LUMAKAD NG DAHAN-DAHAN at WAG LUMINGON

Kasi nga, MAHAL KO SIYA!

Ano ba! Ang kulit ko naman!

Kasi nga HINDI ko sya mahal.

HINDI ko sya mahal!

Hindi nga…

PS: This was a revisited version of my FIL2 monologue.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s